Paglalayag sa Puso ng Isang Bata
ni Jenoveva Edroza- Matute

Napansin kong tahimik siyang
nagmamashid sa akin. Unti- unti kong nalaman na siya ay ulila at lumuwas upang
maging utusan. Ipinapakuha ko siya ng tsinelas ko, pinaghihiwalay niya iyon at
nilalagay sa paa ko at pinapabili ko siya ng aking minindal. Dahil doon tahimik
na pagkakaibigan ang nabuo. Siya ay hindi na nalulumbay bagkus nanunukso na
siya ng mga batang babae. Naging mahalaga siya sa akin at alam niya iyon.
Isang
araw, naging maiinit ang aking ulo may nasabi akong hindi dapat at dahil doon
hindi na siya kalian man tumingin sa akin. Napupuot siya sa akin. Mabigat ang
paa niyang naglakad at kailanman ay hindi na nagpakita sa akin. Buhay na buhay
pa sa aking memorya na minsan siyang naging guro ko.
Detalye Tungkol Sa Sumulat

Nagturo siya ng apatnapu’t anim na taon sa elementarya, sekundarya at kolehiyo, at nagretiro bilang Dekana ng Pagtuturo sa Dalubhasaang Normal ng Pilipinas (ngayon ay Pamantasang Normal ng Pilipinas) noong 1980. Pinarangalan siya ng Sentrong Pangkultura ng Pilipinas ng Gawad CCP Para sa Sining (Panitikan) noong Pebrero 1992
Maraming ulit siyang nagkamit ng Gawad Palanca, tulad ng kilalang Kuwento ni Mabuti, na nanalo ng kauna-unahang Gawad Palanca para sa Maikling Kuwento sa Filipino. Kasama rin sa mga kuwentong nanalo ng Gawad Palanca ay angPaglalayag sa Puso ng Isang Bata noong 1955, at ang Parusa noong 1961.
Ilan sa mga naging aklat niya ay ang Mga Piling Maiikling Kuwento ng Ateneo University Press; ang Tinig ng Damdamin, katipunan ng kanyang mga piling sanaysay, ng De La Salle University Press; at ang Sa Anino ng EDSA, maiikling kuwentong sinulat niya bilang National Fellow for Fiction, 1991–1992, ng U.P. Press.
Namatay siya noong 21 Marso 2009 sa edad na 94.[1]