Wednesday, December 3, 2014


        Paglalayag sa Puso ng Isang Bata 

                                                ni Jenoveva Edroza- Matute
           Isang araw, biglang sumagi sa isip ng guro ang nangyari sa kanyang nakaraan. Siguro binata na siya o isang ama yun ay kung nakaligatas siya sa digmaan. Siya ay maliit, maitim at may pangong ilong. Mayroon siyang kaibig-ibig na ugali. Siya’y huling umaalis sapagkat siya ang naga-ayos ng panlinis at upuan at sa huli paglabas niya ay sumisigaw ng ‘goodbye teacher’.
           Napansin  kong tahimik siyang nagmamashid sa akin. Unti- unti kong nalaman na siya ay ulila at lumuwas upang maging utusan. Ipinapakuha ko siya ng tsinelas ko, pinaghihiwalay niya iyon at nilalagay sa paa ko at pinapabili ko siya ng aking minindal. Dahil doon tahimik na pagkakaibigan ang nabuo. Siya ay hindi na nalulumbay bagkus nanunukso na siya ng mga batang babae. Naging mahalaga siya sa akin at alam niya iyon.
         Isang araw, naging maiinit ang aking ulo may nasabi akong hindi dapat at dahil doon hindi na siya kalian man tumingin sa akin. Napupuot siya sa akin. Mabigat ang paa niyang naglakad at kailanman ay hindi na nagpakita sa akin. Buhay na buhay pa sa aking memorya na minsan siyang naging guro ko.

Detalye Tungkol Sa Sumulat
Si Genoveva Edroza-Matute (3 Enero 1915 – 21 Marso 2009) ay isang bantog kuwentistang Pilipino. Isa rin siyang guro at may-akda ng aklat sa Balarilang Tagalog, na nagturo ng mga asignaturang Filipino at mga asignaturang pang-edukasyon.
Nagturo siya ng apatnapu’t anim na taon sa elementarya, sekundarya at kolehiyo, at nagretiro bilang Dekana ng Pagtuturo sa Dalubhasaang Normal ng Pilipinas (ngayon ay Pamantasang Normal ng Pilipinas) noong 1980. Pinarangalan siya ng Sentrong Pangkultura ng Pilipinas ng Gawad CCP Para sa Sining (Panitikan) noong Pebrero 1992
Maraming ulit siyang nagkamit ng Gawad Palanca, tulad ng kilalang Kuwento ni Mabuti, na nanalo ng kauna-unahang Gawad Palanca para sa Maikling Kuwento sa Filipino. Kasama rin sa mga kuwentong nanalo ng Gawad Palanca ay angPaglalayag sa Puso ng Isang Bata noong 1955, at ang Parusa noong 1961.
Ilan sa mga naging aklat niya ay ang Mga Piling Maiikling Kuwento ng Ateneo University Press; ang Tinig ng Damdamin, katipunan ng kanyang mga piling sanaysay, ng De La Salle University Press; at ang Sa Anino ng EDSA, maiikling kuwentong sinulat niya bilang National Fellow for Fiction, 1991–1992, ng U.P. Press.
Namatay siya noong 21 Marso 2009 sa edad na 94.[1]